Brigada Eskwela 2021

TARA NA, BRIGADA NA!
Samahan ninyo ang buong Sangay ng Lungsod ng Heneral Santos sa Brigada Eskwela 2021 ngayong Agosto 3 hanggang Setyembre 30 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan.”
Ang tema ng Brigada Eskwela 2021 ay kumikilala sa ating mga adhikain at pagbabayanihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad upang maabot ng bawat mag-aaral ang kanilang mga pangarap.
Abangan at sumali sa birtwal na National Kick-Off Ceremony na gaganapin ngayong Agosto 3, 2021, 2:00 PM, sa pangunguna ng SDO Tagum City ng DepEd Region 11 na mapapanood live sa DepEd Philippines FB Page.
Para sa inyong tulong, pumunta sa pinakamalapit na paaralan sa inyong komunidad o makipag-ugnayan sa amin sa DepEd Tayo GenSan.
likeheartlaughterwowsadangry
0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *